Nakasama ang musical film na “LSS (Last Song Syndrome): The Movie” nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa Pista ng Pelikulang Pilipino o PPP na gaganapin sa September 13 to 19, 2019.

Sobrang relate daw sa kanilang roles na ginagampanan sa pelikula lalo na’t pareho silang mahilig sa music. Gaganap si Gabbi dito bilang si Sarah na isang aspiring musician.

Makikilala niya si Zak na ginagampanan ni Khalil, magiging close hanggang sa magustuhan nila ang isa’t-isa habang sinusundan ang paborito nilang banda na “Ben&Ben”.

Kuwento umano ito ng mga pangkaraniwang Pinoy.

Ipinagpapasalamat pa ng dalawa na napabilang sa isang malaking film festival na kinikilala sa bansa. Kasama din sa pelikula ang indie folk-pop band Ben&Ben na mula sa direksiyon ni Jade Castro.

Bukod sa “LSS,” kasama rin ang pelikulang “Cuddle Weather” ni direk Rod Marmol at “The Panti Sisters” ni Perci Intalan at Juan Robles Lana na katatampukan nina Paolo Ballesteros, Martin Del Rosario at Christian Bables sa unang tatlong confirmed movies na makakasama sa PPP.

Samantala wala pa namang official date kung kailan ia-anunsyo ang lima pang finished film entry para makumpleto ang walong pelikula na kalahok sa PPP sa ikatlong taon ng PPP sa industriya.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.