Kilala na ngayon sa Ireland ang 15-year-old Filipina singer na si Shaniah Rollo.

Ito’y matapos maging usap-usapan doon ang kanyang performance sa talent search na Ireland’s Got Talent noong 2018 kung saan binigyan pa siya ng standing ovation sa version niya ng “True Colors” ni Cyndi Lauper.

Ang nasabing international competition ang nagbukas ng maraming opportunities sa teen singer at naging daan para makilala rin siya ng mga Pinoy hindi lang sa Ireland kundi maging dito sa ating bansa.

Bumisita sa bansa ang dalagita upang ibalita ang pag-released niya ng kanyang debut single.

Aminado si Shaniah na may stage fright siya at hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin siya ng hiya at niyerbos sa tuwing magtatanghal siya lalo na sa harap ng maraming tao.

Hindi man pinalad na makasama sa finals, masaya na rin umano si Shanaih dahil nabigyan siya ng chance na makapagtanghal sa harap ng maraming tao.

Bumalik na si Ireland si Shaniah upang tapusin muna ang kanyang pag-aaral at sa mga proyekto niya roon kasama ang grupong lkaniyang kinabibilangan ang bright lights (isang grupo ng Pinoy singers na mula sa iba’t ibang reality competition).

At muling magbabalik sa bansa para pagpatuloy ang kanyang karera dito sa industriya.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.