Ginawaran ng pagkilala sa ginawang 32nd PMPC Star Awards for Television ang ibat-ibang mga personalidad sa television sa larangan ng drama, public affairs, news, travel, lifestyle, entertainment at marami pang iba.

Nakatanggap ng gawad ang mga programa ng Net 25 katulad ng Homework bilang Best Children Show, Best Children Show Host naman si Sally Lopez para sa programang “Homework”.

Kasama din sa na-nominate bilang Children Show ang programang Word Hub. Best Musical Variety Show ang Letters and Music na tinanggap naman ng host nito na si Apple Chiu.

Nagpapasalamat naman ang mga host at mga tao sa likod ng mga nasabing programa sa tinanggap na gawad mula sa PMPC at nangakong ipagpapatuloy ang magagandang adbokasiya ng istasyon.

Gagawin nila itong inspirasyon upang mas lalo pang maghatid ng education, informative at entertainment programs sa mga manonood lalo na sa mga kabataan.

 

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.