Nagsimula na noong Hulyo 29 ang animnapung araw na deadline ng DILG sa mga mayors sa Metro Manila.

Para ayusin at linisin ang mga kalsada sa kani-kanilang nasasakupan.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año ito ang tugon nila sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na inihayag sa kaniyang State of the Nation Address o SONA na ibalik ang mga kalsada sa mga tao at sasakyan.

Aniya ibinigay na ang kopya ng memorandum circular sa labing pitong Metro mayors para sa clearing operations tulad ng pagtatanggal ng mga illegal vendors at illegal parking.

Giit nito matagal na dapat itong programa sa paglilinis ng mga kalsada mula sa iba’t-ibang uri ng obstruksyon.

Kaya naman ngayon ay hindi nauubra ang mga alibi lalo’t ang Pangulo na ang nag-utos.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.