Matagumpay ang ginanap na premiere screening ng pelikulang “Tres” kagabi.

Ang pelikula ay pinagbibidahan ng 3rd generation ng Revilla brothers sa show business na si Bryan, Jolo at Luigi Revilla.

Proud mommy naman si Bacoor, Cavite Mayor Lani Mercado-Revilla sa accomplishment ng kanyang mga anak.

Sa naturang premiere, kita ang suporta ng mga fans ng Revilla brothers mula sa iba’t ibang henerasyon.

Namataaan din sa red carpet ng pelikula bilang suporta sina Edu Manzano, Lovi Poe, ang mag-inang sina Isabel Lopez at Mara Lopez at ang lolo ng magkakapatid na si Ramon Revilla Sr.

Layunin ng Imus Productions na muling ibalik ang dating aktibo at sigla ng mga action films sa industriya. Kung saan ang pelikulang “Tres” ay isang action-trilogy na bida ang bawat isa sa kanila. Tatampukan ni Jolo ang ’72 Hours’ kasama si Rhian Ramos, ang ’Virgo’ naman ay pagbibidahan ni Bryan kasama si Carla Humphries, samantalang ang ‘Amats’ ay si Luigi Revilla ang bida kasama sina Assunta de Rossi at Myrtle Sarossa.

Mapapanood naman ang Tres sa Oktubre 3 nationwide, mula sa direksiyon nina Richard Somes at Dondon Santos.

 

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.