Positibo ang pananaw ng baguhang aktor na si Ron Macapagal sa kaniyang pagpasok sa show business.

Nagpapasalamat din siya dahil sa pagtitiwala na ibinibigay sa kaniya sa katunayan pa nga na mayroon siya ngayong dalawang pelikula na pinagbibidahan niya.

Tampok ang bidaman finalist sa mga pelikulang ‘Tickled Pink’ at ‘Bata, Bata, Bakit Ka Ginawa’ na parehong pinamahalaan ni Direk Romm Burlat.

Ang ‘Tickled Pink’ ay nagpapakita ng mga kabataang iba-iba man ang hilig, propesyon at katayuan sa buhay ay nagkakaisa at nagtutulungan.

Ang ‘Bata Bata, Bakit Ka Ginawa’ naman ay tumutukoy usapin sa pamilya kung paano bang pagpapahalaga ang dapat na ibigay ng magulang sa anak gayundin ng anak sa magulang.

At para kay direk Romm, pinakatampok sa naganap na screening ng gabing iyon ang ‘Bata-Bata, Bakit Ka Ginawa’. Bukod kay Ron, pagkatapos na gawin ang nasabing pelikula ay may mga relizations din ang mga lead actors nito na sina Fiona Yang at Clarissa Milne, hindi pa man sila pumapasok sa buhay may asawa.

May mga recognition na rin na natanggap ang naturang pelikula sa bansa. At sa pagkakataong ito ay nakatakdang ilahok ito sa mga film festival abroad at iikot naman sa mga probinsya sa pamamagitan ng special screening sa mga piling sinehan sa bansa.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.