Mapapanuod naman si Ruru Madrid sa kaniyang kauna-unahang lead role movie.

Sa pelikulang ‘Cara X Jagger’ ay nakatambal ni Ruru si Jasmine Curtis-Smith at mula sa direksyon ni Ice Idanan.

Ang “Cara X Jagger” ay isang unforgettable love story ng dating magkasintahan, subalit may nangyari na susubok sa kanilang katatagan.

Si Cara ay pipiliting kalimutan ang pangyayari na sumira sa kanilang relasyon.

Samantalang si Jagger ay pilit na inaalaala ang kanyang nakaraan, matapos mawala ang kanyang alaala dahil sa isang aksidente.

Thankful naman si Jasmine dahil after seven years, first time niyang magbida sa isang mainstream movie, marami siyang ginawang movies noon, tumanggap pa siya ng mga awards, pero mga indie films iyon.

Mapapanuod na simula ngayong Miyerkules, Nov. 6 ang ‘Cara X Jagger’ sa mga sinehan nationwide.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.