Labis naman ang pagpapasalamat at tuwang nararamdaman nina Shido Roxas at Sanya Lopez.

Dahil sa pagkabilang nila sa isang proyektong pamamahalaan ng batikang direktor na si Joel Lamangan.

Aniya, hindi talaga sila makapaniwala dahil puro icons na tinitingala sa industriya ang kanilang makakasama.

Sa pelikula kasing ‘Isa Pang Bahaghari’ makakasama ng dalawa sina Philip Salvador at ang superstar na si Ms. Nora Aunor.

Mahalaga umano para sa isnag artista ang mga proyektong katulad nito dahil lalo pang nalilinang ang kanilang kakayahan at marami din silang natututunan mula sa mga haligi ng industriya ng pelikulang pilipino.

Dream come true din umano ito para kay sanya, lalo na nga kung mapapasali ang kanilang ginagawang pelikula sa metro manila film festival ngayong taon.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.