Mapapanuod ang dating Miss World Philippines na si Queenie Rehman sa kaniyang kauna-unahang pag-arte sa pelikula.

Ang horror film na “Second Coming” ay pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Marvin Agustin. Gagampanan ng dating beauty queen ang unang asawa ni Marvin.

Unang pagsabak ito ni Queenie sa pag-arte matapos ang kaniyang pagpasa ng korona noon kay Miss World 2013 na si Megan Young. Sa loob kasi ng limang taon, nag focus muna siya sa pag-aaral ng cooking at pastries course at nag-enroll sa workshops sa pagkanta at pag-arte.

Nakasama din ni Queenie at gumanap bilang kaniyang anak ang child actress na si Angelica Ulip.

Ang “Second Coming” ang siyang pinaka-unang mainstream film ng baguhang director na si Jet Leyco. Dati na siyang naging cinematographer at editor sa mga pelikulang “Ex Press,” “Bukas na lang sapagkat Gabi Na” at Matangtubug na narecognize sa iba’t ibang international film festivals.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.