Para kay Sue Ramirez, ang pagkapasok ng kanilang pelikula na ‘Cuddle Weather’ sa Pista ng Pelikulang Pilipino ay isa na umanong karangalan.

Ang ‘PPP’ kasi ang itinuturing ngayon na pinakamalawak na Film Festival sa buong bansa.

Kung saan sampung mga kalahok na pelikula ang tangi lamang mapapanuod sa mga sinehan at movie theaters sa Pilipinas.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ang ika-isang daang taon ng pelikulang Pilipino.

Makakasama din ni Sue sa naturang pelikula si RK Bagatsing na mula sa direksyon ni Direk Rod Mormol.

Masaya rin si Sue na nagkaroon siya ng rendisyon ng awiting ‘Migraine’ na napasikat ng Moonstar88.

Tatakbo na ang PPP 2019 sa bansa simula sa Septyembre 13.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.