Pormal nang ipinakilala ang mga judges ng Tagisan Ng Galing Part 2.

Ang mga hurado para sa singing category ay sina Imelda Papin, Marco Sison, Vina Morales at Marcelito Pomoy.

Bukod sa singing edition, isa pa sa aabangan ng marami ang dancing edition ng Tagisan Ng Galing Part 2.

Magiging hurado sa pasiklaban sa sayawan ng Tagisan Ng Galing Part 2 sina Joy Cancio, Mia Pangyarihan, Joshua Zamora, at ang dancer-actor na si Wowie de Guzman.

Sa susunod na mga episode ng Tagisan Ng Galing Part 2 ay aabangan ang performances ng ating mga TNG aspirants.

Ang 3rd place winners sa singing at dancing categories ay tatanggap ng 500 hundred thousand pesos.

Ang 2nd runner up winners ay tatanggap ng 1 million pesos.

2 million pesos naman ang naghihintay para sa Tagisan Ng  Galing Part 2 grand champions.

Panoorin ang Tagisan Ng Galing Part 2 tuwing Sabado para sa singing category at Linggo para sa dancing category, alas-dose ng tanghali at alas-nuwebe ng gabi, dito lamang sa Net 25!

 

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.