Bilang bahagi ng pakikiisa sa cancer awareness month naglunsad ang grupo ng mga mamamahayag na “The Entertainment and Arts Media” o TEAM ng isang charity concert para sa mga breast cancer patients.

Ilan sa mga naging panauhin sa ginawang concert ay ang mga kilalang opm at recording artists tulad nina Marion Aunor, Janah Zaplan, Kiel Alo, Lester Recirdo, Lance Raymundo, Marlo Mortel at ilan pa sa iba’t ibang mga larangan sa showbiz industry.

Taos puso anila ang kanilang pagtulong lalo na sa mga kababayan natin na nakakaranas ng ganitong sakit.

Magiging beneficiary naman ng nasabing concert ang mga pasyente ng Philippine Foundation for Breast Cancer na pimamumunuan ng komedyanteng si Ogie Diaz.

Nagpapasalamat naman ang marami sa mga artists dahil may mga ganitong grupo ang gusto makatulong sa mga nangangailangan.

Ipinangako naman ng “TEAM” na patuloy silang gagawa ng mga ganitong uri ng programa na nakakatulong sa ating mga kababayan.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.