Ipinakilala na ang sampung awitin mula sa mahigit limang libong entries ng mga Pinoy na mula sa iba’t-ibang rehiyon dito sa Pilipinas, pati na rin sa ibang bansa, bilang Himig Handog 2018 finalists na maglalaban-laban para masungkit ang Best Song award sa pinakamalaking songwriting competition sa bansa.

Ang tema ng taunang kumpetisyon ngayon ay “Love Songs and Love Stories”, ang mga orihinal na komposisyon nakapasok sa finals ay kakantahin ng ilan sa mga kilalang musical performers na kinaugalian na ng Himig Handog.

Nasa ika-siyam na taon na ang Himig Handog. Nagsimula ito noong 2000 hanggang 2003 at ibinalik muli pagkatapos ng isang dekada. Patuloy ito sa pagdidiskubre ng local talents at pagsuporta sa OPM sa pagkakalap nito ng mga bagong awiting may tatak Pinoy.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.