Lumulubha ang sitwasyon sa mga pinag-aagawang mga isla sa West Philippine Sea. Hindi maiwasang hindi mangamba dahil ngayon may naka-pwesto nang mga gamit pangdigma na pwedeng makapinsala sa kahit na sino.

Nakakalungkot din na marami sa ating mga kababayang mangingisda ang tila naabuso at napagkakaitan ng yamang para naman talaga sa mga Pilipino.

Gayunpaman, tiwala ang kasalukuyang administrasyon sa kanilang mga hakbang para lutasin ang problema. Masasabi natin na mahalagang suportahan muna natin ito para sa kapakanan ng ating bansa.

Pero hindi rin naman mangangahulugan na kampante na tayo sa ganyan, kundi malaya tayong magpahayag ng ating sa loobin, puna at pananaw hinggil sa nasabing isyu.

Ang mahalaga ipakita nating mga Pilipino sa China at sa iba pang mga bansa na nagkakaisa tayo sa paglaban para sa ating karapatan kasabay ng maayos na pakikipagusap sa kanila.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.