May bago na namang kanta na handog ang pinoy boy group na ‘JBK’ para sa kanilang mga tagahanga,

Ang kanilang bagong single ay may titulong ‘Anestisya’ na composed at sinulat ni Mr. Jojo Panalaginan.

Ang JBK ay nakilala matapos nilang sumali at maging finalist ng X-Factor UK nuong nakaraang taon. Kinabibilang ito nina joshua bulot, bryan del rosario at kim ordonio.

May kanya-kanya man daw silang career sa show business ngunit iba pa din umano ang sama-sama sila pagdating sa kanilang career sa recording scene.

Inilabas na din ang lyric video para sa kanilang bagong single at ayon sa tatlo tunay na makaka-relate ang maraming pilipino sa nilalaman ng kanilang bagong awitin lalo na ang mga nagmo-move on dahil sa pagkasawi sa pag-ibig.

Nagpapasalamat naman ang tatlo sa maraming pilipino na patuloy na nagstiwala at sumuporta sa kanila simula pa nuong laban nila sa X-Factor UK.

At ayon sa grupo, marami pa umanong dapat na abangan sa kanila lalo na sa mga susunod pang araw.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.