Hanga ngayon ang director ng 2019 Metro Manila Film Festival o MMFF entry na ‘Write About Love’ na si GB Sampedro dahil napaka-natural umano ang pag-arte ng Pop Rock Royalty na si Yeng Constantino.

Si Yeng ang gumanap na love interest ni Joem Bascon sa pelikula at kasama nila dito sina Miles Ocampo at Rocco Nacino.

Para kay Yeng nakatulong ng malaki ang kaniyang pagiging singer-at songwriter lalo na at musician din ang role na kaniyang ginagampanan sa pelikula.

At handa na din umano siya na makipagsabayan sa iba pang malalaking pelikula sa MMFF 2019.

At ayon kay yeng, totoong nae-enjoy na din niya ang pag-arte at kung mabibigyan pa ulit ng pagkakataon ay tatanggapin niya ang mga ito.

Samantala, sa pelikula gumaganap naman si Rocco bilang isang mahusay na scriptwriter, sa totoong buhay.

Nais din niyang pasukin ang ganitong propesyon? Hanga ding umano si Rocco sa mga script-writer na kadalasan hindi din napapansin sa industriya.

Ipapalabas ang ‘Write About Love’ sa December 25 na siya ding pagbubukas ng isa sa mga pinakamalaki at taunang film festival sa bansa.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.