“Mano Po 7: Chinoy,” mapapanuod na simula December 14

Star-studded ang ikapitong installement ng anthonolgy movie na “Mano Po 7: Chinoy”. Sa pangunguna ni Richard Yap, binubuo ang powehouse cast nito nina Ms. Jean Garcia, Jake Cuenca, Enchong Dee, Jessy Mendiola, Janella Salvador, Marlo Mortel, Kean Cipriano, Eric Quizon at Jana Agoncillo.

Masaya naman ang mga cast ng pelikula dahil for the first time ay napabilang sila sa kinikilala at inaabangang anthology film sa bansa.

Gagampanan nina enchong, janella at jana ang mga anak ni Richard Yap at Jean Garcia. First time din nila na mapabilang sa Mano Po anthology movie.

Sa December 14 ang showing sa mga sinehan ng Mano Po 7 na hindi pinalad na makasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF 2016) pero tinitiyak na maganda ang playdate ng family movie ng Regal Films para sa movie-goers bago pa man ang itinakdang petsa ng pagsisimula MMFF sa December 25.

Ito ay mula sa direksyon ni Direk Ian Lorenos, bukod sa first mainstream film niya ito ay first movie din niya na ginawa sa Regal Films.

Nalulungkot ang Philippine Movie Matriarch na si Mother Lily sa grand presscon ng Mano Po 7  sa hindi pagkapasok nito at ang ibang mga pelikula na pampamilya dahil para sa kanya, para sa pamilya at mga bata ang Annual Film Festival.

Ang magkaroon ng sarili na Parade of Stars ang cast ng Mano Po 7: Chinoy ang nagkakaisa na suggestion ng entertainment press kay Mother Lily Monteverde at sa kanyang anak na si Roselle.

Itinakda naman ng premiere night ng Mano Po 7: Chinoy sa December 9.

“Enteng Kabisote 10 and the Abangers,” mapapanuod na simula sa November 30

Mapapanood na ng mas maaga ang mga pelikulang tuwing huling linggo lamang ng disyembre natin napapanood.

Hindi man pinalad na makapasok sa Metro Manila Film Festival  (MMFF 2016) ang pelikulang “Enteng Kabisote”.

Heto at tuloy na tuloy pa rin ang pagpapalabas nito sa mga sinehan nationwide.

Mula ito sa direksyon nina Marlon Rivera at Tony Reyes.

Ang pelikula ay ang  ikasampung serye ng fantasy movie na “Ok Ka Fairy Ko”.

Ayon kay Vic Sotto, ang pelikulang ito ay pang buong pamilya lalo na sa mga bata.

Nagbigay din siya ng pahayag sa hindi pagkakasama ng kaniyang pelikula MMFF ngayong taon.

Bagaman nirerespeto umano ni bossing Vic ang desisyon ng pamunuan ng MMFF, nasasaktan lang daw siya para sa mga manonood, lalo na para sa mga  bata.

Sa pangunguna ni bossing Vic Sotto bilang si “Enteng Kabisote”..

Kasama din sa pelikula  sina Oyo Boy Sotto, Alonzo Muhlach, Aiza Seguerra, Ryza Cenon, Ryzza Mae Dizon, Cacai Bautista, Bayani Casimiro Jr., Paolo Ballesteros, Wally Bayola, Jose Manalo, Ken Chan, Bea Binene, Max Collins, Alden Richards, Maine Mendoza at si Epi Quizon bilang main villain  na si “Kwak-Kwak'”.

Malaki din ang pagkakilala ni Jose kay bossing Vic sa dami ng naitutulong nito sa mga kapwa artista.

Mapapanuod na ang “Enteng Kabisote 10 and the Abangers” sa mga sinehan nationwide simula sa November 30.

Fil-Am actor Anthony Diaz V, tampok sa pelikulang “Break”

Dumating sa bansa ang Fil-Am actor-director na si Anthony Diaz V.

Sampung taon pa lang ang Fil-Am actor na si Anthony Diaz V ay iba na ang kinahiligan niya.

Sa halip na computer at mga gadgets na siyang libangan ng mga kabataan, mas nakahiligan at naging libangan nya na manood ng mga action films.

Malapit sa puso ni Anthony ang Japan dahil sa murang edad na walo  ay paboritong lugar na itong pasyalan ng kanyang pamilya.

At hindi niya inakala na ang una niyang full-length feature ay gagawin sa kinikilalang “land of the morning sun” kaya masasabing isang tribute niya ito sa bansang kaniyang minahal.

Unang full-length feature film ni anthony ang pelikulang “Break” na tungkol sa pakikipagsapalaran  ng isang Japanese-American  sa isang bansang hindi niya kinagisnan.

Sasagupain niya rito ang iba’t-ibang elemento ng underworld sa paghahanap niya ng kanyang lugar sa bansang hindi siya sa tinanggap.

Ang pelikula ay parang hollywood style movie na kinunan mismo sa bansang japan kasama ng mga japanese actors na nakakapagsalita ng english at japanese.

Unang ipinalabas noong abril sa isang private screening ang “Break”  sa Tokyo, Japan. At sinundan naman ng pilipinas bilang pangalawang special screening ng pelikula.

May mensahe din ang Fil-Am actor sa kaniyang mga kababayang pilipino.

Samantala, napabilang din sa prestihiyosong Sundance Film Festival sa susunod na taon ang pelikula.

 

“Bar Boys”  kwento ng mga Law student

Ang pelikulang “Bar Boys” ay isang comedy drama at feel-good barkada movie na sinulat ng mismong direktor na si direk kip oebanda at na pagbibidahan nina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, at Kean Cipriano.

Ito ay kuwento ng apat na magkakaibigang nag-aral sa law school.

Maipapakita dito ang mga hirap na pinagdadaanan ng mga law student at ang kanilang pagpupunyagi upang malampasan ito.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nakatrabaho ni Kean si Direk Kip pagkatapos nilang magkasama sa pelikulang “Tumbang preso”.

May malaki ding role sa pelikulang ito ang singer-aktres na si Hazel Faith Dela Cruz.

May mga reyalisasyon naman ang mga cast nito pagkatapos gawin ang pelikula.

Napapanahon daw ang pelikula, dahil ipapalabas ito pagkatapos ng apat na linggong bar exams ngayong november.

Bagamat kuwento ito ng mga law students, hindi raw naman ito tungkol sa bar exams.

Ang “Bar Boys” ay ekskulsibong mapapanood sa lahat ng SM Cinemas nationwide.