Siya si “Marcus Teemothy Tadiaman” o mas kilala sa nickname niya na “Teemee”.  Ang batang kinagigiliwan sa social media.

Nag-trending si Teemee sa social media matapos niyang sumali sa isang kilalang reality show ng noontime show ng isang TV network.

At mula dito ay pinag-usapan na siya netizens hindi lamang dito sa Pilipinas maging sa isang bansa.

Si ‘Teemee’ ay panganay na anak ng mag-asawang sina Jay at Rose Anne Tadiaman.

Dalawang lalaki ang anak ng mag-asawa at ipinagmamalaki nilang hands-on sila sa pag-aalaga sa mga ito.

Isa din umano sa dahilan kung kaya napagpasiyahan nilang isali si ‘Teemy’ sa contest ay upang maalis ang pagkamahiyain ng bata.

Iyon din ang kauna-unahang sinalihang reality competition ng bata.

Pumapasok sa New Era University si Teemee na isang Kindergarten student.

Maging sa eskwelahan din umano ay nagpapamalas ng galing ang bata.

Active siya sa eskwelahan hindi lamang sa academics maging sa mga extra curricular activities.

At bilang pangalawang magulang ng mga estudyante ay suportado umano nila ang mga pangarap ng kanilang mag-aaral.

Proud din umano sila at napakasaya na sa buwan ng Setyembre nangyari ito kay Teemy dahil ito ang buwan kung kailan ipinagdiriwang ng mga guro ang kanilang propesyon.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si ‘Teemee’ sa mga kababayang nating naniwala at sumusuporta sa kaniya.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.