Nagsimula siya bilang child star nuong dekada nobenta. Isa si Carlo Aquino sa mga kinikilalang magaling na artista ng bansa. Nagsimula siya pag-arte sa edad na pitong taong gulang sa youth oriented show na Ang TV.
Isa sa pinakatumatak sa kanya bilang artista ay ang kanyang pagganap bilang “Ojie” sa pelikulang Bata, bata… paano ka ginawa? ng taong 1998 kasama ang Star for all season na si Gov. Vilma Santos-Recto.
Ilang mga nominasyon at karangalan na rin ang kanyang natanggap mula sa maraming acting-award giving bodies.
At ngayong taon, pagkatapos siyang mapanuod sa pelikulang “Meet Me in St. Gallen” at sa historical and bio-pic film na Goyo: Ang Batang General. Muling sumabak sa big screen si Carlo at sa pagkakataong ito, makakatambal niya ang kaniyang kaibigan at ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.
Ito naman ang sumunod na pelikula ni Angelica after ng breakout performance niya sa “Ang Dalawang Mrs. Reyes” at katulad ni Carlo, nagsimula rin si Angelica bilang child star sa edad na anim na taong gulang naman.
Sa lahat ng mga nagaganap sa kanilang career sa kasalukuyan, kasama na maging ang sa kanilang mga personal na buhay, Ano ba ang ipinagpapasalamat ng dalawa?
Masaya din ang dalawa dahil muli ay nagkaroon sila ng reunion movie matapos ang napakatagal na panahon.
Mapapanuod na ang romantic-comedy drama na “Exes Baggage” sa mga sinehan nationwide simula ngayong araw.