Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na sina Enchong Dee, Janine Guttierez at Direk Joel Ferrer sa mainit na pagtanggap ng publiko sa pelikula nilang “Elise.”

Nagkaroon pa nga sila ng Cinema Tour upang magpahatid mismo ng kanilang pasasalamat sa mga sumusuporta sa kanilang pelikula.

Over-whelming din sila umano sa magagandang reviews na nanilang nababasa sa social media mula sa netizens gayudin sa mga film critics.

Para naman kina Janine at Enchong, ito umano ang pinaka-challenging project nila dahil bukod sa point of view ng kuwento, iba-ibang emosyon ang ipinakita at ipinadama nila sa pelikula – mula sa pagpapa-cute, pagpapatawa, pagpapakilig hanggang sa pagdadrama.

Ang Elise ay hinango umano sa ilang personal experience ni Direk Joel Ferrer. Ginawa raw niya ito upang maibahagi ang kanyang natutunan sa larangan ng pag-Ibig.

 

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.