Ang Expanded Program On Immunization o E-P-I ay binuo ng Department of Health noong July 1976 sa pamamagitan ng presidential decree 996.
Ito ay sa pakikipatulungan ng World Health Organization o WHO at UNICEF para masiguro na ang mga sanggol at mga bata kasama na ang kanilang nanay ay maka-iwas sa mga sakit na maaaring dumapo sa kanila.
Pangunahin din sa layunin niton ay mabawasan ang morbidity at mortality sa mga sanggol at mga bata na sanhi ng iba’t ibang childhood diseases.
Ang mga bakuna sa ilalim ng E-P-I ay ang BCG at Hepatitis B na ibinibigay sa sanggol pagka-panganak pa lang , Oral Poliovirus Vaccine, Pentavalent Vaccine, Measles Containing Vaccines at Tetanus Toxoid.