Ang “School Service” ang ikalawang Cinemalaya movie ni Direk Louie Ignacio pagkatapos ng award-winning film na “Asintado.”
Bida sa ‘School Service” sina Ai Ai de Las Alas at Direk Joel Lamangan.
At aminado siya, malaking challenge para sa isang direktor ang idirek ang isa batikang direktor.
Gayunpaman, naging challenge raw ito sa kakayahan niya ito bilang isang director.
Tungkol sa batang dinakip at isinakay sa school service ng isang small-time syndicate para gawing pulubi. Base ito sa mga totoong nangyayari sa mga batang hamog sa lansangan.
Ang mga batang gumanap sa pelikula ay sina Celine Juan, Kenken Nuyad, Felixia Dizon, Santino Oquendo at Therese Malvar.
Kasama rin si Kevin Sagra na siya namang gumanap na driver ng School Service.
Balak din ni Direk Louie na dalhin sa iba’t-ibang prestihiyosong international filmfests tulad nang ginawa niya sa “Asintado” at “Area.”
Tawag pansin umano ang pelikula sa gobyerno ng Pilipinas.
Ginanap ang gala night ng naturang pelikula nuong Linggo, Agosto 5 sa Cultural Center of the Philippines Main Theater. Patuloy naman mapapanuod ang lahat ng entries sa 14th Cinemalaya Independent Film Festival hanggang Agosto 12. Sa Agosto 12 din gaganapin ang awards night nito.