Hindi magkamayaw ang publiko na nag-abang sa parada ng walong pelikulang kalahok sa 2016 Metro Manila Film Festival.
Sa Manila City Hall pa lang, dinumog na ng mga fans ang float habang nag-aantabay sa pagdating ng mga artista.
Hindi pa man tumatabo sa takilya ang mga pelikulang kasali…nagpa-talbugan na sa float ang mga ito.
Mala-carnival sa brazil ang tema ng float ng pelikulang die beautiful na pinagbibidahan Ni Paolo Ballesteros na todo-porma pa sa kanyang custome.
Puno rin ng palamuti ang float ng pelikulang Vince, Kath And James kung saan bida sina Julia Barretto, Joshua Garcia at Ronnie Alonte.
Habang nakakakilabot ang tema ng seklusyon na nag-iisang horror film entry sa MMFF.
Hindi rin nagpahuli ang float ng iba pang kasaling pelikula gaya ng Kabisera, ORO, Saving Sally, Sunday Beauty Queen, at Ang Babae sa Septic Part 2.
Nagmula ang parada sa city hall na dumaan sa Lawton, Binondo, Recto Avenue, Rizal Avenue hanggang sa magtapos sa Plaza Miranda.
At kahit na nagpatupad ng traffic rerouting ang manila traffic enforcement unit — nagsikip pa rin ang daloy ng trapiko dahil na rin sa dami ng mga naki-usyoso sa parada.
Umaasa ang mga artista gaya na lang ni Eugene Domingo na bida sa ang babae sa Septic Tank 2 na tatangkakilin ng publiko ang lahat ng mga pelikula na tiyak na magugustuhan umano ng mga manonood.
Ayon naman kay juana change na isa sa mga karakter sa Sunday Beauty Queen na maihahalintulad sa mga kakaibang handa ang mga pelikulang kalahok ngayon sa film fest.
Natutuwa naman si superstar Nora Aunor sa kanyang pagbabalik sa Metro Manila Film Festival.
Gayunman iwas itong sagutin kung magiging mahigpit ang labanan sa pagka-best actress.
Ang mga fans sa ngayon pa lang, may mga pelikula nang napupusuang panoorin.