Pangunahing tampok ang extrajudicial killings o EJK sa political action-thriller film na pinagbibidahan ni Jake Cuenca.
May titulo itong “Kontradiksyon” at dito gagampanan ni cuenca ang papel ng isang advocate na tutol sa EJKs, na tumutukoy sa mga kaso ng mga ilegal na pagpatay na karaniwang iniuugnay sa giyera kontra droga ng pamahalaan.
Gagampanan naman ni Kris Bernal ang isang babaeng drug pusher at drug addict.
Kasama din sa pelikula si Ritz Azul at inaamin niya na totoong may impact sa kaniya pelikula.
Ayon sa cast ng pelikula, masarap sa pakiramdam na gumaganap sila ng iba’t ibang roles na katulad ng ganito… At nag-iiwan ng mensahe sa mga nakakakapanuod nito.
Ang iba pang cast sa “Kontradiksyon” ay sina Paolo Paraiso, Katrina Halili at Jong Cuenco.
Ayon sa Palanca award-winning writer-director at MTRCB board member na si Njel De Mesa, layunin ng pelikula na buksan ang puso at pang-unawa ng bawat pilipino upang hindi na magbangayan, bagkus ay magtulungan para masulusyunan ang problema sa droga.
Lalo pang naging kapana-panabik ang pelikula ng mismong ini-endorso ni pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing pelikula.
Nagpaabot din sila ng opinyon na sa simpleng pagsunod lamang ng isang pilipino sa batas ay malaki na ang maitutulong sa pag-unlad ng ating bansa.
Mapapanuod na ang kontradiskyon sa mga sinehan nationwide simula sa June 26.