Lubos ang kasiyahan ng mga nasa produksyon at mga artista ng pelikulang “oro” dahil sa pagkapasok nila sa magic 8 ng Metro Manila Film Festival 2016.
Ang pelikulang “ORO” ay mula sa direksyon ni Alvin Yapan. Hango ang pelikula sa isang undocumented massacre sa Brgy. Gata, Caramoan, ,Camarines Sur kung saan apat na minero ang pinaslang.
Tampok sa kwento, kung paano ang ginawang paglaban ng apat na minero alang- alang sa isa sa pinagkukunan ng kabuhayan ng kanilang barrio.
Ito ang unang MMFF movie ni Irma Adlawan, na lubos naman nitong ikinatutuwa.
Ginampanan naman ni sandino martin ang karakter ng isang witness na kung saan siya ang nakasaksi sa pamamaslang.
Ginampanan naman ni Joem Bascon ang isa sa apat na minerong pinatay at si Mercedes Cabral bilang kasintahan nito na isang guro.
Bukod sa hango sa totoong pangyayari ang pelikula, napapanahon din umano ang pelikula sa ngayon.
Punong- puno din ng aral ang pelikula na kailangang malaman at matuklasan ng mga pilipino.
ito ang katotohanan na hindi natin maitatago sa panahon ngayon.
Mapapanuod na ang “ORO” sa ibat- ibang sinehan sa bansa.. Kasabay ng pagsisimula ng MMFF 2016 sa Dec. 25.