Hindi lamang sa mundo ng pelikulang Pilipino ang venture ngayon ng tinaguriang “Queen of Indie Films” na si Ms. Baby Go, kundi pati na rin ang entertainment magazine.
Sa paglunsad ng kauna-unahang publication sa bansa na “BG showbiz plus”, ito ay dedicated sa independent film industry.
Sa kaniyang pangatlong taon sa indie film scene, mayroon nang labindalawang mga pelikula ang tinaguriang reyna ng indie. Ito ay mula sa iba’t-ibang mga award winning at batikang director tulad nina Mel Chionglo, Joel Lamangan, Neal Tan, Louie Ignacio at iba pa.
Ang kaniyang mga pelikula ay nakatanggap ng iba’t iba at hindi mabilang na parangal mula sa mga prestihoyosong award giving bodies hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang panig ng mundo.
Ang BG production ay patuloy na gumagawa ng mga pelikulang sumasalamin sa mga suliranin ng lipunan at tunay na kaganapan saan mang sulok ng bansa.
Ang kauna-unahang issue ng “BG Showbz Plus” magazine ay magsisimula sa buwan ng Hulyo ng taong ito at ang kauna-unahan nitong cover, ang fashion designer na si Ms. Joyce Peñas Pilarsky.