Isa na nga rito ay ang TV series na “”The Prodigal Prince,” ito ay isang fiction film series patungkol sa pag-ibig, pamumuno, paghihimagsik at pagpapatawad. Pinagbibidahan ito nina VMiguel Gonzales bilang “Arthur”, “Justin Lee” bilang Reymund, Mateo San Juan bilang “Alfred” at Isiah Tiglao bilang “Joey” at mula sa direksyon ni IJ Fernandez.
Mapapanuod ang “The Prodigal Prince” dito sa NET 25 tuwing linggo sa ganap na alasyete ng gabi.
Ang reality show naman na may adbokasiya na maipakita ang tunay na galing ng isang Pilipino. Sa bawat episode ng naturang show ay may mga kabataang susubok sa iba’t-ibang challenges na mayroon kinalalaman sa mga katangian, kultura at tradisyon ng bawat pinoy sa iba’t ibang probinsya. Magtutungo sila sa iba’t-ibang lugar dito sa bansa upang masubukan ang kanilang pagiging isang Pinoy. Mapapanuod din rito ang iba’t ibang lugar na magpapamalas ng kagandahan ng Pilipinas.
Mapapanuod ang “Galing Ng Pinoy” tuwing Linggo sa ganap na alasyete ymedya ng gabi.
Hindi naman magpapahuli ang isa pang programa ng SMAC Television at ito ay ang “Bee Happy, Go Lucky” na isang musical variety show. Mapapanuod rito ang iba’t-ibang performances katulad ng singing, dance numbers, acting at mayroon ding kumpetisyon na ipapakita ang galing ng kabataan. ito ay pangungunahan ng mga talents na nakilala sa iba’t ibang platforms ng social media.
Mapapanuod ang “Bee Happy, Go Lucky” tuwing Linggo, pagkatapos ng Young Once sa ganap ng alas-nuwebe ng gabi.
Ang Social Media Artist and Celebrities o SMAC Television Production ay isang online network na mayroong mga entertainment shows na ang pangunahin ay mga Youth Oriented shows.