Hello Kitty live show, umaarangkada na

Kung noon ay sa mga cartoon na palabas lang, drawing at stuffed toys makikita ang little girl na si Hello Kitty ngayon ay live na siyang mapapanuod.

Nandito kasi sa Pinas ang paboritong cartoon character ng mga bata para sa dalawang linggong show sa Hello Kitty.

Hindi maikakaila na maraming tumatangkilik sa cartoon character na si Hello Kitty, mapa-matanda man o bata.kaya naman isang malaking oportunidad ito na mapanuod ang Hello Kitty Live-Fashion and Friends sa mga mahihilig sa nasabing character.

Dahil sa pagbubukas pa lang ng show sa gala night nito, ang mga nakapanuod dito ay happing happy sa interactive na programa.

Isa pa sa kumumpleto sa programa ay ang tropa ni hello kitty. Tulad ng twin sister niyang si “Mimmy”. Ang kaniyang super bestfriend na si “My Melody”. Nakikulit din si Bad Badtz-Maru at Pompompurin. At higit sa lahat ang special and surprise participation pa ng boyfriend ni Hello Kitty na si “Dear Daniel” na talagang ikakikilig ng mga teen at young adult niyang fans.

Mapapanuod silang sumasayaw kasama ang kanilang narrator na si “Sofie.”

Itatampok sa palabas na ito ang istorya tungkol sa friendship, talent, hardwork at passion. Sa kaniyang paglalakbay makakasama niya ang kaniyang mga kaibigan.

At pagkatapos nga ng programa, hindi matatawaran ang kaligayahan lalo na ng mga kabataan sa isang live show na kanilang napanuod.

At hiling ng bawat isa, magbalik muli ang paborito nilang cartoon character sa bansa.

Sa unang pagkakataon din, sa bansa sasalubungin ni Hello kitty at ng kaniyang tropa ang bagong taon. Magtatagal kasi hanggang  January 1, 2017 ang kanilang live show.

(Visited 21 times, 1 visits today)