Pelikulang “2 Cool 2 4gotten” ni Khalil Ramos, mapapanuod na

Isang feel-good barkada movie ang mapanunuod ngayon sa mga sinehan dito sa Metro Manila.

Kasama sa full length cinema competition ng C1 originals ang pelikulang “2 Cool to 4gotten”. Bida si Khalil Ramos sa pelikulang ito na sinulat ni Jason Paul Laxamana at mula sa direksyon ni Petersen Vargas.

Dark high school comedy ang tema ng pelikula na karaniwang nangyayari at pinagdadaanan ng bawat mga lalaking estudyante. Gagampanan ni Khalil ang karakter ni “Felix Salonga”.

Ayon kay Khalil pareho naman niya na gustong gawin ang mga proyektong dumarating sa kanya. Mapa-independent man o mainstream projects.

Bukod kasi sa “2 Cool 2 4gotten” mayroon pa siyang mag pelikula na hindi pa naipapalabas subalit tapos na ang shooting nito tulad ng horror film na “Bloody Crayons”,

Nakasama ni Khalil dito ang isa sa mga miyembro ng hashtags na si Jameson Blake bilang “Maximillian Snyder” at si Ethan Salvador bilang kapatid naman ni Maximillian na si “Magnus Snyder”.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsama-sama sa pelikula ang tatlo at nagpapasalamat naman ang bawat cast nito na patuloy ang pagdating ng mga proyekto sa kanila.

 

 

(Visited 261 times, 1 visits today)