Batang Composer at Record Producer si Jonathan Manalo, ang utak sa likod ng halos lahat ng theme song kabilang na ang classic OPM hit na “Pinoy Ako”.
Siya rin ang nasa likod ng mga hit songs ng ilan sa mga sikat nating OPM singer, tulad nina Gary Valenciano, Sarah Geronimo, Piolo Pascual, Angeline Quinto, Erik Santos, Aiza Seguerra, Alex Gonzaga, Toni Gonzaga at marami pang iba.
At ngayong sasapit at ipagdiriwang na ang kanyang 15 years sa industriya. isang tribute-concert ang ihahandog ng kompositor na pinangalanang “Kinse: The Music of Jonathan Manalo.”
Sa presscon ng “Kinse”, sinabi ni Jonathan na plano na nilang magkaroon ng ganitong show noong mag-celebrate siya ng 10th anniversary, pero nagdesisyon sila na gawin na lang ito sa kanyang ika-15 taon sa industriya ng musika.
Ayon sa kay Jonathan, ang “Kinse” ay isang paraan nila para maibalik sa lahat ng pinoy na sumuporta sa kanya ang blessings na natanggap niya sa loob ng 15 taon.
Magaganap ang “Kinse: The Music of Jonathan Manalo” sa Music Museum sa December 3 kung saan mapapanood ang natatanging pagtatanghal ng mga singer na nakatrabaho ni Jonathan sa kanyang 15 years sa industriya tulad nina Gary, Lani Misalucha, KZ, Erik Santos, Aiza Seguerra, Yeng Constantino, Piolo and Inigo Pascual, Angeline Quinto, Brenan, Vice Ganda, Gloc-9, Alex and Toni Gonzaga, Jona, Kyla, Marion, Sam Milby, Morissette, Janella Salvador at Juris.