Mula 4.8 percent noong second quarter ng 2018, umakyat sa 6.2 percent ang average inflation rate o antas ng pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga basic good at services ngayong 3rd quarter.
Pinakamataas ito ngayong taon batay sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Pangunahing dahilan daw ng pagtaas ng average inflation ay ang pagmahal ng presyo ng produktong pagkain bunga ng kalamidad at ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
One third ng 6.2 percent average inflation ay bunga ng pagtaas ng presyo ng bigas, isda, gulay at karne.
Dahil dito, nasa average five percent na ang inflation rate ng bansa para sa taong ito o lagpas sa high-end target range ng pamahalaan na two to four percent inflation rate, subalit sakop ng revised na target inflation rate na 4.8 to 5.2 percent para sa taong ito.