Ang pelikula na ‘Alpha, The Right To Kill’ ng beteranong direktor na si Brillante Mendoza ay kalahok sa San Sebastian International Film Festival.

Nagpapasalamat ang award-winning actor na si Allen Dizon dahil sa isa pang pagkakataon ay muli siyang sasabak sa isang A-List international filmfest sa bago niyang pelikula.

Ayon din sa aktor, wala sa kaniyang isip ang awards dahil mapasali lang sa filmfest na ito ay malaking karangalan na para sa kanya at sa buong produksyon.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na sasali si Direk Brillante sa naturang international filmfest at makakalaban nito ang mga iba pang awarded directors sa maraming bansa para sa highest prize na The Golden Shell.

Ang nasabing pelikula ay may kinalaman sa war on drugs. Patungkol ito sa isang corrupt na opisyal ng pulisya at sa kanyang asset. Iikot sa buhay nila ang kuwento. Malalaman dito ang masalimuot na buhay ng isang asset at kung paano patatakbuhin ng isang pulis ang buhay ng asset.

Bukod kay Allen, tampok din sa pelikula sina Elijah Filamor na gumaganap bilang asset niya.

Ito din ang kauna-unahang lead film ng 23-anyos na si Elijah Filamor. Naging Best Actor si Elijah sa film workshop ni Direk Brillante noong 2016.

Ang nasabing film festival ay magaganap sa mula sa September 21 hanngang 29 sa Donostia-San Sebastian sa bansang Spain.

 

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.