Kasama ang teen-actress na si Bea Binene sa pelikulang “Ang Sikreto Ng Piso”. Ito ang kauna-unahang pagsabak ng dalaga bilang isa sa lead cast ng isang full-lenght comedy family-oriented film.

Ayon kay Bea, masaya niyang tinanggap ang proyekto sa kadahilanang gusto din n’yang mag-venture sa iba pang genre ng pelikula.

Ang nasabing pelikula ay mula sa produksyon ng model at fashion and jewellery designer na si Ms. Joyce Peñas-Pliarsky ng JPP Dreamworld Productions at mula naman sa direksyon ni Perry Escaño. Pinangungunahan naman ang pelikula nina Ariel Rivera, Gelli De Belen, kasama din sa support cast sina Lou Veloso at Beverly Salviejo.

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.