Magsasama-sama ang magkakapatid na Bryan, Cavite Vice Gov. Jolo at Luigi Revilla sa pelikulang Tres, na binubuo ng tatlong kuwento na pagbibidahan ng bawat isa sa kanila. Ito ay ang Virgo, 72 Hours at Amats.
Mapapanood si Bryan sa Virgo na idinirek ni Richard Somes samantalang bibida naman sa Amats si Luigi at si Jolo naman sa 72 Hours na parehong idinirek ni Dondon Santos.
At ayon sa 3rd generation ng Revilla sa show business, hinahandog nila ang pelikulang ito sa kanilang ama, ang dating senator na si Bong Revilla, Jr.
Ito ang maituturing first lead movie project ni Bryan kasama kasabay ng muling paggawa ng pelikula ng Imus Productions.
Naging dibdiban din umano ang kanyang paghahanda para sa kanyang role kasabay ng pagbabawas niya ng timbang.
Si Bryan ang pinakamatanda sa kanilang tatlo na bida ng pelikulang “Tres”
Sa ngayon daw mas nae-enjoy muna niya ang pagiging kuya sa mga nakababatang kapatid.
Gagampanan ni Bryan ang karakter ng isang PDEA agent na ang pangalan niya ay Virgo.
Si Luigi naman na bagong pasok sa showbiz, napakinabangan ang hilig sa martial arts na kanyang ginamit sa maaksyong eksena sa pelikula. Isa kasi siyang blackbelter at talagang hasa sa mixed martial arts tulad ng Muay Thai, judo, karate at iba pang Asian fighting technique.
Mapapanuod na ang action-trilogy film na “Tres” simula sa October 3.