Muling magbabalik on stage ang isang musical na punong-puno ng pag-asa. Dani Girl: A Musical About Hope.
Makikita sa naturang musical ang kahalagahan ng tunay na pagkakaibigan at ang suporta ng bawat isang miyembro ng pamilya.
Iikot ang naturang musical kay Dani, isang nine-year old girl na humaharap sa pakikipaglaban sa buhay dulot ng sakit na acute lymphoblastic leukemia isang uri ng cancer.
Matutunghayan dito hindi lamang ang pakikipaglaban ni dani girl sa sakit kundi ang nilalaman ng kaniyang fantastical imagination tulad ng spaceships, sword fights at magic.
Binubuo lang casting into nina Rebecca Coates at Felicity Kyle Napuli na alternate na gaga nap sa title role na “Dani”.
Sina Luigi Quesada at Daniel Drilon na alternate naman g gaganap bilang “Marty” ang bestfriend ni Dani.
Alternate namang gagampanan nina Shiela Valderrama-Martinez at Pam Imperial ang karakter ni “Katharine Lyons” ang mommy ni Dani.
At sina Lorenz Martinez at Juliene Mendoza na alternate namang gaganap bilang “Ralph”.
Ayon sa pamunuan ng produksyon ng dani girl, muli nilang binuhay ang konseptong ito lalo na sa panahon ngayon na wala na talagang pinipili ang sakit na cancer.
Magbibigay umano ito ng inspirasyon upang ipagpatuloy ang buhay at lumaban sa kabila ng hirap na kanilang nararanasan.
Matutunghayan din dito ang kahalagahan ng pagkalinga sa mga katulad nila.
Bubuksan sa publiko ang Dani Girl: A Musical About Hope simula sa August 10, 2019 at magkakaroon ng limited screenings hanggang sa September 1, 2019 sa Carlos P. Romulo Auditorium ng RCBC plaza sa Makati city.