Ipinagpapasalamat ngayon ng aktor na si Dennis Trillo dahil tinagkilik ng maraming netizens ang kanilang ‘Co-Love’ ni Jennylyn Mercado online.

Bukod sa magagandang mga komento sa social media at sunod-sunod din ang request ng netizens ng iba’t ibang kanta na pwede nilang i-collaborate.

Nagustuhan ng viewers at followers nila ang mga ’80s at ’90s songs na kanilang kinakanta sa Co-Love.

Iniisip din ng dalawa na magkaroon ng collaboration sa isa sa mga hit song ni Jennylyn tulad nga ng kantang ‘kahit sandali’ na napasikat ng aktres nuong early 2000s.

At dahil nag-hit ang Co-Love ng magkasintahan sa YouTube channel na “Jennylyn Mercado,” napagdesisyunan na nilang magsagawa ng isang concert.

Gaganapin ito sa sususnod na taon sa new frontier theater. At ang title ng concert ‘Co-Love Live’.

Sa kasalukuyan din ay abala si Dennis sa pelikula niyang ‘Mina-Anud’ na inspirado sa isang tunay na pangyayari. Bukod sa showing na ito sa August 21 ay ito din ang napili ng Cinemalaya 2019 bilang closing film nito sa August 10.

Nagpapasalamat naman ang aktor sa tuloy-tuloy na suporta ng kaniyang fans sa kahit anong proyekto.

 

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.