Saludo si Secretary Bernadette Puyat ng Department of Tourism sa actress na si Marian Rivera-Dantes sa adbokasiya nito na tangkilikin at suportahan ang mga gawa at produktong Pinoy.

Gayundin ang pagpo-promote ng pamilya Dantes ng iba’t ibang tourist destinations sa bansa. Kamakailan kasi ay nagtungo at ini-explore ng buong pamilya Dantes ang kagandahan ng ‘Bohol’.

Ayon sa kalihim ng pambansang turismo, inimbitahan nila sa kanilang opisina si Marian upang kausapin at himukin na puntahan pa ang iba pang mga magagandang lugar sa Pilipinas.

Open din umano ang Department of Tourism na maging bahagi ang mga anak ni Marian at Dingdong lalo na si Zia bilang child ambassador ng kagawaran.

Hinimok din ng kalihim ang maraming Pilipino na tangkilikin ang mga produktong Pinoy at maging turista sa sarili nating bayan.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.