Mapapanood na ng mas maaga ang mga pelikulang tuwing huling linggo lamang ng disyembre natin napapanood.
Hindi man pinalad na makapasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF 2016) ang pelikulang “Enteng Kabisote”.
Heto at tuloy na tuloy pa rin ang pagpapalabas nito sa mga sinehan nationwide.
Mula ito sa direksyon nina Marlon Rivera at Tony Reyes.
Ang pelikula ay ang ikasampung serye ng fantasy movie na “Ok Ka Fairy Ko”.
Ayon kay Vic Sotto, ang pelikulang ito ay pang buong pamilya lalo na sa mga bata.
Nagbigay din siya ng pahayag sa hindi pagkakasama ng kaniyang pelikula MMFF ngayong taon.
Bagaman nirerespeto umano ni bossing Vic ang desisyon ng pamunuan ng MMFF, nasasaktan lang daw siya para sa mga manonood, lalo na para sa mga bata.
Sa pangunguna ni bossing Vic Sotto bilang si “Enteng Kabisote”..
Kasama din sa pelikula sina Oyo Boy Sotto, Alonzo Muhlach, Aiza Seguerra, Ryza Cenon, Ryzza Mae Dizon, Cacai Bautista, Bayani Casimiro Jr., Paolo Ballesteros, Wally Bayola, Jose Manalo, Ken Chan, Bea Binene, Max Collins, Alden Richards, Maine Mendoza at si Epi Quizon bilang main villain na si “Kwak-Kwak'”.
Malaki din ang pagkakilala ni Jose kay bossing Vic sa dami ng naitutulong nito sa mga kapwa artista.
Mapapanuod na ang “Enteng Kabisote 10 and the Abangers” sa mga sinehan nationwide simula sa November 30.