Dumating sa bansa ang Fil-Am actor-director na si Anthony Diaz V.

Sampung taon pa lang ang Fil-Am actor na si Anthony Diaz V ay iba na ang kinahiligan niya.

Sa halip na computer at mga gadgets na siyang libangan ng mga kabataan, mas nakahiligan at naging libangan nya na manood ng mga action films.

Malapit sa puso ni Anthony ang Japan dahil sa murang edad na walo  ay paboritong lugar na itong pasyalan ng kanyang pamilya.

At hindi niya inakala na ang una niyang full-length feature ay gagawin sa kinikilalang “land of the morning sun” kaya masasabing isang tribute niya ito sa bansang kaniyang minahal.

Unang full-length feature film ni anthony ang pelikulang “Break” na tungkol sa pakikipagsapalaran  ng isang Japanese-American  sa isang bansang hindi niya kinagisnan.

Sasagupain niya rito ang iba’t-ibang elemento ng underworld sa paghahanap niya ng kanyang lugar sa bansang hindi siya sa tinanggap.

Ang pelikula ay parang hollywood style movie na kinunan mismo sa bansang japan kasama ng mga japanese actors na nakakapagsalita ng english at japanese.

Unang ipinalabas noong abril sa isang private screening ang “Break”  sa Tokyo, Japan. At sinundan naman ng pilipinas bilang pangalawang special screening ng pelikula.

May mensahe din ang Fil-Am actor sa kaniyang mga kababayang pilipino.

Samantala, napabilang din sa prestihiyosong Sundance Film Festival sa susunod na taon ang pelikula.

 

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.