Inspirado sa tunay na buhay at mga pangyayari ang pelikulang tampok ang ang ating mga bagong bayani sa panahon ngayon, ang mga kababayan nating ofws.
May titulo itong “OFW: The Movie” na tumatalakay sa matagumpay, nakakatuwa at inspirational journey ng lima nating mga kababayan na OFW.
Bumubuo sa cast ay sina Sylvia Sanchez, Rafael Rosell, Christian Vasquez, Kakai Bautista at Dianne Medina.
Very positive ang pelikula na ang pangunahing Layunin ay i-encourage ang mga manggagawang pinoy na mas lalo pang pagsumikapan na sa kanilang pagta-trabaho.
Makita nila ang kuwento na hindi kaawa-awa. Marami palang nagtatagumpay na mangagawang pinoy sa ibang bansa.
Aminado naman ang former chairperson na si Arnel Ignacio na kahit wala na siya sa owwa aypatuloy pa din ang paglilingkod nya para sa kapakanan ng mga kababayan nating OFWs.
Nagkaroon ng special screening ang “OFW: The Movie” nuong nakaraang linggo na pinangunahan ng Philippine Recruitment Agencies Accredited to Saudi Arabia o praasa at karamihan ng mga dumalo dito ay mga kababayan nating OFWs kasama ng kanilang mga kaibigan at mga kamag-anak.
Nakatakda ding ilibot ang nasabing advocacy films sa maraming bansa gayundin sa iba’t ibang probinsya dito sa Pilipinas at maging sa eskwelahan at unibersidad.