Inilabas na ng Filipino-Australian na si Jasmine Henry ang kanyang latest single na may titulong ‘Playing With Fire’.

Ito ang pangalawang kanta ng 15-year old singer pagkatapos ng debut single niya na “Mahal Ko Ang Aking Pangarap” na siya mismo ang nag-compose.

Tinulungan naman si Jasmine ng music arranger na si Jimmy Antiporda upang mabuo at mailabas ang kaniyang awitin.

Sa kabila ng kaniyang batang edad, inspirasyon umano ni Jasmine ang kaniyang mga pangarap kaya patuloy siyang nagsusumikap upang makamit ito.

At ito din ang pinaghugutan niya upang mabuo ang kaniyang mga kanta tulad ng ‘Playing With Fire’.

Bukod sa kaniyang mga awitin ay mapapanuod din ang batang teen singer sa isang concert na may titulong “this is my dream” na gaganapin sa Skydome sa November 22, 2019.

Makakasama niya sa naturang concert ang iba’t-ibang personalidad na nakilala at sumikat sa social media.

 

Recent Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.