Ang Republic Act no. 8041 o National Water Crisis Act of 1995 ang naging daan sa pagpasok ng Manila Water Company Incorporated sa water business.
Matapos i-turn over ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS sa kanila ang operasyon sa East Zone Concession.
Simula noong 1997, naramdaman ng mga residente sa east zone ang pagbuti ng kanilang water at wastewater services dahil mula sa 26 percent ay naging 99 percent na ang supply ng tubig sa kanilang lugar.
Bukod naman sa ligtas at malinis na tubig sinisiguro ng kumpanya na hindi magdudulot ng polusyon sa mga ilog ang used water mula sa mga kabayahan para na rin mapangalagaan ang kalikasan.
May tatlong pangunahing ilog sa Metro Manila ang pinangangalagaan ng Manila Water ito ang Pasig, San Juan, at Marikina Rivers.