Matagumpay ang ginanap na mini-concert ng young recording artist Rayantha Leigh. Sa kanyang batang edad ay marami nang siyang pangarap na natutupad kaya lubos-lubos ang kanyang pagpapasalamat.

Pinarangalan din si Rayantha sa 5th World Class Excellence award na ginanap sa Japan bilang Young Achiever Awardee, Outstanding Asia Teen Performer 2018 noong Nobyembre.

Taong din ito nang nanalo si Rayantha bilang Star Awards for Music’s New Female Recording Artist of the Year sa PMPC 2018.

Ang unang single ni Rayantha na may titulong “Nahuhulog” ay sinundan ng kantang “Laging Ikaw” na komposisyon ni Kedy Sanchez.

Isa din si Rayantha sa mga host ng musical variety show na “Bee Happy, Go Lucky” na napapanuod din dito sa NET 25 tuwing Linggo ng alas-nwebe ng gabi.

Sa naturang concert ay ibinahagi din ng batang singer ang mga dapat pang abangan sa kanilang programa at sa TV series na “The Prodigal Prince” ng NET 25.

Nagpa-abot naman ang mga kasamahan niya sa SMAC production ng pagbati dahil sa matagumpay na konsiyerto.

Bukod sa pagiging singer, sumabak na rin si Rayantha sa pag-arte sa telebisyon maging sa pelikula. Mapapanood si Rayantha sa pelikulang ‘Unang Yugto’ na pinagbibidahan nina Lotlot de Leon at Martin Escudero mula kay Direk Moises Lapid.

Recommended Posts
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.