Sa panahon ngayon, lagi nang hawak ng mga kabataan ang gadgets gaya ng smart phone.
Ito na rin ang kanilang nagiging libangan at pampalipas oras.
Bagaman importante ito sa panahon ngayon, hindi pa rin natin dapat kalimutan ang pagbabasa ng libro.
Kaya naman sa idinaos ang 40th international book fair, nanawagan ang manunulat ng librong moymoy lulumboy na ugaliin pa ring magbasa gamit ang mga traditional na libro.
Kahit ilang mga kabataan, batid ang kahalagahan ng pagbabasa.
At kahit mahilig sa social media, hindi pa rin nila nakakalimutan ang pagbabasa.
Nakilala din namin ang ilang mommies na namimili ng childrens books para sa kanilang mga anak.
Kahit bata pa umano, sinasanay na nila ang mga bata na magbasa para madala ito hanggang sa paglaki.
Ang iba naman ginawa nang family bonding ang book fair.
Sa naturang book fair din, inilabas na ang ikaanim na libro ng Moymoy Lulumboy.
Ayon kay Matias, Kung bata pa si Moymoy sa unang libro na inilabas noong 2013, ngayon binatilyo na si Moymoy.
Hinikayat din ni Matias ang publiko na patuloy na suportahan ang panitikang Pilipino.