Sa pagdiriwang ng 30th anniversary ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA. Nagkaroon ng isang gabing pagbibigay parangal sa ilang mga personalidad, sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at LGU, mga pribadong sektor, media partners at ilang mga kilalang celebrities sa bansa na kanilang naging ambassadors.
Pangunahin na binigyan ng recognition and awards ang mga kawani ng NCCA. mga pioneers, at ang may mga natatanging kontribusyon sa NCCA.
At dahil isa ang Eagle Broadcasting Corporation sa mga media partners ng NCCA, tinanggap ng NET25 ang recognition for media partners ng naturang ahensya.
Binibigay ng ahensya ang pagkilala sa mga nakatuwang nila sa pagsusulong ng sining at kulturang Pilipino.
Ang NET 25 ay may mga programa sa telebisyon na kung saan ipinakikita ang galing at kultura ng bawat Pilipino. Ang “Letters and Music” na sumusuporta sa mga musikang Pilipino at ipinakikilala ang galing ng mga Pinoy sa larangan ng musika. Travel show tulad ng “Landmarks” tampok ang iba’t ibang kultura ng ating mga kababayan sa iba’t ibang bayan dito sa Pilipinas. Nariyan din ang mga morning shows na Masayang Umaga Po at Pambansang Almusal na kung saan ay may mga segmento na tampok ang sining at kulturang Pilipino. At maraming pang ibang programa na sumusuporta sa adbokasiya ng NCCA.