Isa sa ipinagmamalaki ngayon ng gaganaping Southeast Asian o SEA Games 2019 ay ang official theme song nito.
At ipinarinig na sa kauna-unahang pagkakataon ng Philippines-South East Asian Games Organizing Committee o (PHILSGOV) ang official theme song sa pamamagitan ng isang press launch.
Ito ay may titulong ‘We Win As One’ ay pinagtulungang isulat nina Maestro Ryan Cayabyab at Floy Quintos at siyang inawit ng award winning singer at aktres na si Ms. Lea Salonga.
Isang karangalan para kay Lea na muling i-represent ang pilipinas sa pamamagitan ng kaniyang pag-awit. Kaya naman wala umanong dapat maging mali sa bawat notang nito.
Ayon naman kay Speaker Alan Peter Cayetano, best of the Philippines ang ipapakita sa sea games na gaganapin sa Nobyembre. Mula sa best artists hanggang best athletes ng bansa. Lalo na’t ito ang ika-tatlumpu’t edisyon ng prestihiyosong kumpetisyon sa kasaysayan ng sports.
Kasabay rin ng naturang press launch ay ang unang pagpapalabas ng official music video ng “We Win As One”. Matutunghayan sa naturang music video na umaawit si Lea na ang background niya ang New Clark City at highlights dito ang mga manlalaro nuong mga nakaraang SEA Games competitions.
Nagpa-abot din ng mensahe si Lea sa mga manlalarong pinoy na sasabak sa SEA Games 2019.
Binubuo ang 2019 SEA Games competitions ng labing-isang mga bansa na magsisimula sa November 30 hanggang sa December 11. Huling nag-host ang bansa ng SEA games ay taong 2005 pa at ito ang inaasahan na may pinakamaraming bilang ng mga manlalaro. Gaganapin naman ang indoor opening ceremonies nito sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa November 30.