Napakalaki umano ang pagpapasalamat ng mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza dahil sa mga achievements na nakuha at natanggap ng kanilang recording label na itinuturing din nilang kanilang anak.
Mahigit isang taon pa lang ng magsimula ang kanilang record label na O/C Records subalit marami na umano silang natututunan sa industriyang ito sa pagpasok ng mga araw.
At sa pagsisimula ng taong ito bubuksan din ng mag-asawa ang isang malaking proyekto para sa O/C Records. At ito ay ang pamamahala ng U.P. Fair na kinikilala sa bansa na isang malaking OPM event at concert.
Inanunsyo na rin ng mag-asawa ang line-up para sa U.P. Fair na may titulong ‘Hiwaga’. Ito ay ang mga bandang ‘Callalily’, ‘UDD’, ‘This Band’, ‘Kjwan’, ‘Paraluman’, ‘Slapshock’, ang banda ng aktres na si Arci Muñoz na ‘Philia’, Ebe Dancel at Glaiza De Castro kasama ng kanilang mga banda .
Kasama rin ang mga magagaling at patok ngayong henerasyon na OPM artists na sina Unique Salonga, Gian Magdangal, Clara Benin, Reese Lansangan at ang PPop Boygroup na ‘SB19’.
Kasama rin sa line up ang mga mismong baguhang opm artists under O/C Records na sina Martin Riggs, Zsaris, Frizzle Anne, Rice Lucido, Earl Generao, at ang mga bandang Bita and the Botflies at Calein. Bubuksan din umano ang ‘Hiwaga’ ng espesyal na performance mula sa The Busking Community PH.
Hands-on daw umano ang mag-asawa sa lahat ng detalye ng kanilang ginagawang mga proyekto. Magaganap ang ‘Hiwaga’ U.P. Fair Monday sa up Sunken Garden sa Feb. 10, 2020 na sisimulan sa ganap na alas-tres ng hapon.