Naging matagumpay ang ginanap na Film Ambassadors Night na isinagawa ng Film Development Council of the Philippines sa pangunguna ng Chairperson nito na si Ms. Liza Diño.
Ito ang ika-apat na installment ng naturang programa ng FDCP upang bigyan ng gawad at natatanging parangal at rekognisyon ang mga Pinoy film industry artists, filmmakers at mga taga-telebisyon na nagbigay ng karangalan at nagwagi sa iba’t-ibang international film competitions at award giving bodies.
Binigyan ng karangalan ang mga ito sa kategoryang ‘Short Films’, ‘Documentaries’, ‘Technical and Creative Awards’, ‘Acting Awards’, ‘Feature Films’, ‘Special Citation’, ‘A-listers’ at ang pinakamataas na pinagkakaloob na parangal ng fan na ‘Camera Obscura’.
Isa ang pelikula ng EBC Films na ‘Guerrero’ ang binigyan ng pagkilala at rekognisyon dahil sa pagpanalo nito sa Madrid Film Festival ng nakaraang taon.
Personal na tinanggap ng director nito na si Carlo Ortega Cuevas ang tropeyo. Inspirasyon daw umano ito ng mga katulad niyang filmmakers upang pagbutihan pa ang kanilang mga paggawa.
Ilan din sa mga artistang nakakuha ng parangal dahil sa galing nila sa pagganap ay sina Ina Raymundo, Maja Salvador at Maxine Eigenmann personal nilang tinanggap ang kanilang awards. Personal din ni Judy Ann Santos ang kaniyang tropeyo sa kategoryan namang ‘A-listers’.
Ito ay dahil sa pagkapanalo niya sa 2019 Cairo International Film Festival para sa pelikulang ‘Mindanao’.
Sa kabuuan 66 honorees at tatlong Camera Obscura awardees ang binigyan ng karangalan sa 4th Film ambassadors night.
Tatlo sa mga kinikilalang haligi ng entertainment industry ang binigyan ng parangal para sa Camera Obscura.
Sila ay ang box office film and TV Director na si Direk Cathy Garcia-Molina, ang multi-awarded Filipino filmmaker, film historian at film literacy advocate na si Nick Deocampo at ang screenwriter, journalist at novelist na si Ricky Lee.
Samantala, ipinahayag naman at naging emosyonal si Chair Liza sa kaniyang naging opening remarks sa ginanap na awarding ceremony.
Itinataguyod niya kasi ang ginagawang batas sa kamara para sa kapakapanan ng mga filmmakers at workers ng entertainment industry at masaya siya na nakikita niya na mayroon ng development sa naturang panukala.
Nanawagan din siya ng pagkakaisa ng mga nasa film industry para dito.