Isa ang Cinemalaya sa mga prestihoyosong independent film festival sa bansa.
Sa ikalabing-apat na pagtakbo ng naturang festival, katulad ng mga nakaraan, sampung mga pelikula ang kalahok at patuloy na mapapanuod hanggang Aug. 12.
At isa nga nga dito ang pelikulang “ML” ni Direk Bedicto Mique Jr. na first time naka-trabaho ang batikang aktor na si Mr. Eddie Garcia.
Bumida sa naturang pelikula ang Pinoy Boyband Superstar finalist na si Tony Labrusca. Iikot ang pelikula sa kuwento ng karakter na si Carlo, na makilala ang isang matandang residente ng kanilang lugar na dating sundalo.
Ayon kay Labrusca, kakaibang karanasan ang makatrabaho si Garcia.
Kasama din sa pelikula sina Henz Villaraiz at Lianne Valentin.
Mataas naman ang pagkilala ng ilang mga artista sa mga local films katulad nga nga mga pelikulang kalahok sa 14th Cinemalaya.
Sa kampanya at patuloy na pagsuporta ng Film Development Council of the Philippines sa pangunguna ng chairperson nito na si Ms. Liza Diño. Patuloy sila umano sa pagbuo at paglunsad ng iba’t ibang mga programa para masuportahan pa ang iba’t ibang accredited film festival sa bansa katulad nga ng Cinemalaya.
Pagkatapos ng Cinemalaya sa Aug. 12 ay siya namang pagbubukas ng walong pelikulang kalahok sa “Pista ng Pelikulang Pilipino” sa Aug. 15 at sa buong isang linggong ito ay wala munang mapapanuod na foreign films sa mga sinehan sa buong bansa