Pinag-aaralan ngayon ng kinauukulan ang hakbang na gagawin matapos matuklasan na nagamit ang Voters Counting Machine na isinauli sa SMARTMATIC.
Ayon sa kampo ni Atty. Francis Tolentino, pinag-aaralan nila ang kanilang susunod na hakbang matapos isauli ng Commission on Elections o COMELEC sa Smartmatic ang nasa higit isang libong VCM na ginamit noong nakaraang May 2016 elections.
Sa panayam ng programang Saganang Mamamayan, sinabi ni Tolentino na inilipat ang nasabing mga VCM sa kabila ng naunang preventive order ng Senate Electoral Tribunal o o SET.
Sa 1,400 VCM na isinauli sa Amartmatic, lumabas sa isinagawang proseso ng paglilipat na nasa 117 ang nasumpungang may lamang SD card.